-- ADVERTISEMENT --

Mariing itinanggi ng Department of Justice na mayroong ‘special treatment’ sa kontratistang si Sarah Discaya kasabay ng patung-patong na mga kaso may kinalaman sa flood control projects anomaly.

Nanindigan si Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na walang ‘preferential treatment’ kay Discaya matapos magpakustodiya ito sa National Bureau of Investigation.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa pangangalaga ng naturang kawanihan si Sarah Discaya kasunod nang kanyang isuko ang kanyang sarili sa pag-volunatary surrender nito.

Kung kaya’t sa naganap na ‘preliminary investigation’ sa hiwalay pang kaso na kinakaharap nito sa Malabon ay inasiste at idinala ng kawanihan tungo sa prosecutor’s office nito.

Nagsampa kasi ang lokal na pamahalaan ng Malabon ng paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at felony of theft laban sa kontratista.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit binigyang linaw ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na wala pang inilalabas na ‘warrant of arrest’ kontra kay Sarah Discaya ang korteng may hawak sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa kaso naman nitong may kinalaman sa ghost infrastructure project sa Davao Occidental.

Magugunitang nagsampa ng kasong ‘graft’ at ‘malversation’ ang Office of the Ombudsman laban kay Sarah Discaya at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways sa Digos Regional Trial Court ng Davao Del Sur.

Ito’y agaran inilipat sa korte ng Malita, Davao Occidental at pagkatapos ay idinala na sa Regional Trial Court ng Lapu-lapu City, Cebu.

Ayon sa Department of Justice at Korte Suprema, ito’y sa kadahilanang dapat ilipat ang mga kasong may kinalaman sa korapsyon o flood control projects anomaly sa pinakamalapit na itinalagang ‘special anti-graft court’ sa rehiyon.

Kung kaya’y maisa pang ulit na binigyang diin ni Justice Spokesperson Polo Martinez na walang espesyal na pagtrato sa akusadong kontratista.

Naniniwala aniya silang mag ‘advantage’ ito ng gobyerno sapagkat kahit wala pang ‘arrest warrant’ ay nasa kustodiya na nila si Discaya.

Gayunpaman, ayon sa Department of Justice, hindi maaring ilagay sa kulungan o i-hold sa detention facility si Discaya sakali man walang arrest warrant na ilabas ang korte.