-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang seguridad at pagbabantay ngayong panahon ng Kapaskuhan, kasabay ng pagdami ng mga mamamayang nasa lansangan at nagbibiyahe.

Ayon sa Pangulo, kinakailangan ang mas mataas na antas ng seguridad at isang malinaw at nagbibigay-katiyakang presensya ng mga awtoridad sa mga kalsada, pampublikong lugar, transport hubs, at mga komunidad.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtitiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayan upang maramdaman ang saya ng Kapaskuhan nang may kapanatagan at pagkakaisa.

Ipinaalala rin ng Pangulo na ang serbisyo publiko ay nagpapatuloy kahit sa panahon ng pagdiriwang at hinikayat ang mga kawani ng pamahalaan na maglingkod nang may dangal at isaalang-alang ang kapakanan ng bansa.