Binawasan na ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang mga bansa na kaniyang bibistahin.
Ayon kay Executive Director Jose Marmoi Salonga ng Office of the Secretary General ng House of Representatives na naging dalawa na lamang ito mula sa dating 16.
Sa ginawang pagbabago ay tanging ang mga bansang the Netherlands at Australia.
Dagdag pa nito na kanilang natanggap ang unang request ng mambabatas maging ang revised request kung saan ito ay mag-overlap na sa session days.
Muling magbabalik kasi ang sessions ng mga mambabatas sa darating na Enero 26, 2026.
Ang unang request kasi ay may petsang Disyembre 1, 2025 na humihingi ng approval mula Disyembre 15, 2025 hanggagn Pebrero 20, 2026 na sumasakop ng 17 mga bansa.
Dahil dito ay sumulat sila kay Duterte na magsumite ng dagdag na detalye at baguhin ang isinumite.
Sa isinumiteng revised travel request mula sa the Netherlands at Australia na may petsang Enero 3 hanggang Enero 30 at inilagay ang rason na bibisitahin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang bibisitahin ang anak na nag-aaral sa Australia.
Nakasaad din sa request na ang mga gastos ay manggagaling mismo sa sariling bulsa ni Duterte.
Sa ngayon ay kasalukuyang ini-evaluate ng House of Representatives bilang administrative procedures at House rules.
Magugunitang umani ng batikos ang unang hiling na travel order ni Duterte dahil dami ng mga bansang bibisitahin na ang iba ay tinawag pa nilang ‘world tour’.











