-- ADVERTISEMENT --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa presyo ng mga produkto.
Epektibo kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P0.20 na bawas sa kada litro.
Ganun din ang kerosene ay mayroong bawas din na P0.20 sa kada litro.
Una ng sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang dahilan ng dagdag bawas sa mga produktong langis ay ang tensiyon pa rin sa Gitnang Silangan at ang pag-target ng Ukraine sa mga oil depot ng Russia.
-- ADVERTISEMENT --











