Isiniwalat ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang posibilidad na masampahan ng plunder complaint si VP Sara Duterte.
Ayon kay Trillanes, natanggap lamang niya ang naturang impormasyon mula sa isang impormante, at posibleng ngayong lingo ay ihahain na ang naturang kaso sa Office of the Ombudsman.
Posibleng sa Biyernes ay pormal na aniyang ihahain ito sa Tanodbayan.
Ang reklamo ay kaugnay pa rin sa umano’y maanomalyang paggamit ni VP Sara sa kaniyang confidential at intelligence fund, atbpang malalaking isyu sa Department of Education at Office of the Vice President.
Sa ngayon, hindi pa inilalabas ng dating senador kung anong grupo o kung sino ang maghahain ng kaso laban sa pangalawang pangulo.
Kung babalikan ang verified impeachment complaint laban kay VP Sara na kasalukuyan ngayong naka-archive sa Senado, kasama ang isyu ukol sa maanomalyang paggamit sa CIF sa mga dahilan ng graft and corruption bilang basehan ng complaint.











