Tinuligsa ni Vice President Sara Duterte ang bagong impeachment complaint sa kanya na inihain ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), at tinawag itong “bargaining chip” na naglalayong makialam sa 2026 national budget.
Ayon sa Bise Presidente, ang bagong impeachment talk ay nagpapakita ng pamilyar na pattern na iniuugnay niya noo’y sa binanggit nina Sen. Chiz Escudero, Rep. Toby Tiangco, at iba pang mambabatas na noong Pebrero 2024, na ang mga nalikom na pirma para sa kanyang impeachment ay nilapatan kapalit ng budget allocations.
Giit pa ni Duterte, nagpapakita lamang umano ito ng isang political maneuvering na higit na nakatuon sa presyo kaysa sa prinsipyo.
Pinuna pa ng Bise na walang imbestigasyon na nangyari upang panagutin ang mga sangkot ukol sa ”impeachment signatures” na ginamit lamang umano para siya ay pabagsakin.
Bukod dito handa rin daw siyang sumagot sa anumang alegasyon na nakabatay lamang sa katotohanan, ngunit hindi siya mananahimik habang ginagamit ang isyu para sa budget-driven racket.
Samantala, ayon kay Bayan chair Teddy Casiño, nakatakda nilang isumite ang bagong complaint sa susunod na taon, na nakatuon sa umano’y pag-abuso sa confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Tiwala ang Kongresista na makakakuha sila ng suporta mula sa mga mambabatas, gaya ng nakaraang impeachment na may mahigit 200 signatories.











