-- ADVERTISEMENT --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Justice undersecretary Jojo Cadiz.

Ito ay matapos na isangkot siya sa anomalya ng flood control projects.

Kinumpirma ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro ang pagsusumite ni Cadiz ng kaniyang pagbibitiw.

Magugunitang idinawit si Cadiz ni dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co dahil sa pagtanggap ng kickback mula sa flood control projects.

Lumabas din sa Securities and Exchange Commission na mayroong koneksyon si Cadiz sa isang pangunahing construction company noong 2023 na ipinangalan sa kaniyang anak na 19-anyos pa lamang noon.

-- ADVERTISEMENT --