-- ADVERTISEMENT --
Nakauwi na sa Pilipinas ang siyam na Filipino marino matapos na palayain ng Houthi rebels ng Yemen.
Pasado 9:30 nitong gabi ng Huwebes, Disyembre 4 ng lumapag ang eroplanong sinakyan nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Sinamahan sila ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang mga dumating na marino.
Ang nasabing pagpapalaya ay dahil sa walang tigil na pakikipag-ugnayan ng Department Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Oman para ang mga ito ay mapalaya.
Magugunitang noong Hulyo ng nilusob ng Houthi rebels ang M/V Eternity sa Red Sea bago nila ito pinalubog.
-- ADVERTISEMENT --
Tiniyak naman ni Cacdac na makakatanggap ng tulong ang mga dumating na seafarers.











