-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ng Supreme Court (SC) na ilalabas na ang resulta ng 2025 Bar Exams sa Enero 7, 2026.

Sa kabuuang 13,193 na mga aplikante sa pagsusulit ay tanging 11,425 na mga examinees ang nakumpleto ang tatlong araw na pagsusulit.

Ito na ang pinakamaraming nagtapos sa pagsusulit sa kasaysayan ng Bar exam na isinagawa sa 14 na local testing centers sa buong bansa.

Itinakda naman a Pebrero 6, 2026 ang oath-taking at signing ceremonies ng mga pumasa sa bar exams.