-- ADVERTISEMENT --

Kusang-loob na humarap si House Majority Leader Sandro Marcos sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Ayon kay Marcos, hindi siya pinadalhan ng subpoena at dumalo siya upang makatulong sa imbestigasyon ng komisyon.

Ipinahayag niyang handa siyang sagutin ang lahat ng tanong at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa paglinaw ng isyu.

Humiling ang kanyang kampo ng executive session, na agad namang pinagbigyan ni ICI Chairman Andres Reyes Jr.

Nauugnay ang pagharap ni Marcos sa alegasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na may bilyong pisong budget insertions umano sa flood control projects mula 2023 hanggang 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Mariin namang itinanggi ni Marcos ang paratang at iginiit na wala siyang kinalaman sa anumang anomalya.

Patuloy na iniimbestigahan ng ICI ang umano’y malawakang korapsyon sa flood control projects sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Inaasahang maglalabas ng rekomendasyon ang komisyon matapos makumpleto ang testimonya ng mga opisyal na iniimbestigahan.