-- ADVERTISEMENT --

Nakabangon na ang Airbus mula sa krisis sa software matapos ang malawakang recall ng A320 jets at pagsasailalim sa ilang technical process.

Nabatid na daan-daang eroplano mula Asya hanggang Estados Unidos ang agad na sumailalim sa software retrofit na iniutos ng mga regulator.

Ang hakbang ay bunsod ng insidente sa JetBlue A320 na naapektuhan ng solar flare.

Humigit-kumulang 6,000 eroplano ang pansamantalang ipinag-ground upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa loob ng 24 oras, nabawasan ang bilang ng mga apektadong eroplano matapos matukoy ng mga eksperto ang partikular na mga unit.

-- ADVERTISEMENT --

Ang solusyon ay pagbabalik sa mas lumang bersyon ng software na kumo-control sa nose angle ng eroplano.

Nagpaabot ng paumanhin ang CEO ng Airbus at tiniyak na mas magiging bukas sila sa publiko, kasunod ng mga aral mula sa krisis ng Boeing 737 MAX.

Sa Pilipinas, dose-dosenang flights ang naantala, habang may ibang umabot ng kalahating araw ang lay over dahil sa pangyayari.