-- ADVERTISEMENT --
Hinatulang makulong ng 14 na taon ang dating pangulo ng Peru na si Martin Vizcarra.
Naharap kasi sa kasong kurapsyon ang 62-anyos na si Vizcarra dahil sa pagtanggap ng suhol mula sa mga kontraktor.
Matapos na mailabas ang hatol ay inilipat na agad ito sa prison facility ng Barabadillo sa Ate Vitarte sa Lima, Peru.
Naging pangulo si Vizcarra mula Marso 23,2018 hanggang Nobyembre 9, 2020.
Pinatalsik ito sa puwesto ng ma-impeach ng kongreso matapos napatunayan na tumanggap ito ng suhol mula sa construction company habang siya ay gobernador ng Southern Moquegua Region mula 2011 at 2014.
-- ADVERTISEMENT --











