-- ADVERTISEMENT --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 270 indibidwal ang nananatiling missing matapos sumiklab ang malaking sunog sa isang high-rise residential building sa Hong Kong nitong Miyerkules, Nobiyembre 26.

Ayon sa local authorities, 51 ang nasawi sa pinangyarihan ng sunog habang apat naman ang binawian ng buhay sa ospital at mayroon ding isang bumbero ang nasawi.

Base sa mga opisyal, natupok ng apoy ang pito mula sa walong tower blocks sa Tai Po district. Bagamat, idineklara nang under control ang apat na tower, habang puspusan ang pag-apula sa iba pang mga gusali na patuloy na nasusunog.

Nauna ng itinaas sa level five ang sunog, ang itinuturing na “most serious level” sa Hong Kong.

Naaresto na rin ang tatlong construction company executives dahil sa “suspicion of manslaughter” at gross negligence may kinalaman sa nakitang flammable materials, kabilang ang mesh at plastic sheets sa mga bintana ng mga gusali, na maaaring naging dahilan para kumalat ng mabilis ang apoy.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog na sumiklab sa isang housing complex na isinasailalim sa renovations.

Sa ngayon, inilikas na ang daan-daang residente sa temporary shelters habang naglaan naman ng emergency housing units para sa iba na apektado ng sunog.