Wala pang limang minuto, mabilis na naaprubahan sa Senado ang panukalang pondo para sa 2026 ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P889 million.
Personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa sesyon ng Senado nang iharap ang badyet ng kanyang opisina.
Sa plenary deliberations ng Senado para sa budget ng tanggapan ng pangalawang pangulo para sa susunod na taon, nagkasundo ang mga senador na iendorso ang budget ng OVP para sa pag-apruba sa ikalawang pagbasa.
Matapos aprubahan ang panukalang pondo ng OVP, nagpasalamat naman si VP Sara sa Senado.
“We’d like to thank the Senate of the Philippines for approving the OVP year 2026 budget,” saad ni VP Sara.
Hindi na rin nagpaunlak ang bise presidente at sa halip ay bumati na lamang ito ng merry christmas sa mga reporters ng Senado.
Sa inyong lahat, sa Senate beat ng friends from the media, the reason na pumunta ako rito ay para batiin kayong lahat ng blessed Christmas and a Happy New Year and I wish you good health in the year 2026,” dagdag ng bise presidente.











