-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “all is well” sa pagitan nila ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa pahayag ng Pangulo, ayaw na niyang magsalita kaugnay sa dating executive secretary dahil nag usap na silang dalawa.

Aniya, kung ano man ang kanilang napag usapan ay kanila na lamang ito.

“ Well, you know, the question about Chief Luc and myself, wala nag-usap na kami and we understand each other and we decided to keep it between ourselves. There’s no bad blood. There is no acrimonious feeling. So, that’s fine,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung maalala umalma si Bersamin sa naging pahayag ng Malakanyang na boluntaryo siyang nag resign out of delikadeza.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit umalma dito si Bersamin at sinabing hindi siya nag resign kundi siya ay inalis sa pwesto.

Tungkol naman kay dating DBM Sec. Amenah Pangandaman, sinabi ng Pangulo na nadawit lang ang pangalan nito sa kontrobersiya.

Giit niya, mahalagang hindi mailagay si Pangandaman sa posisyong maaaring pagdudahan o akusahang may impluwensiya sa anumang imbestigasyon o proseso.

“ Si Sec. Mina because her name was dragged into the whole thing. So that, you know, it makes it clear that whatever is going on, kung ano man ang mga questioning, kung ano man ang mangyayari, we want to be sure that she’s not in a position where she might be suspected of influencing all that. Kasi when she’s out of government, wala na siyang impluwensiya. So, hindi mo masasabing inayos niya ‘yung kaso niya,” pahayag ni Pangulong Marcos.