-- ADVERTISEMENT --

Patay ang limang katao matapos ang pag-atake ng dalawang suicide bomber sa Pakistan.

Tinarget ng mga ito ang headquarters ng Pakistani paramilitary force kung saan kabilang sa nasawi ay tatlong security officials at ikinasugat ng 12 katao.

Walang grupo ang umako sa nasabing pag-atake sa Federal Constabulary headquarters sa Peshawar sa nort-western Pakistan.

Itinuring ng Pakistan authorities na ang atake ay bigong terrorist attack dahil sa napatay nila ang mga suspek.