-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Ahtisa Manalo, third runner-up ng Miss Universe (MU) 2025, na ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho sa nonprofit organization na Alon Akademie, na nakatuon sa pagbibigay ng pantay na oportunidad sa kabataan mula sa mga low-income backgrounds.

Sa Q&A portion ng coronation, binanggit ni Ahtisa ang kanyang adbokasiya sa kabataan sa Alon Akademie, na nagdulot ng malakas na palakpakan mula sa audience.

Sa Instagram post noong Nobyembre 22, sinabi niya na: “I will continue working with @alonakademie using my platform to make sure that people who come from low income backgrounds are given the same opportunities as everyone else.”

Ipinakilala ni Ahtisa ang Alon, sa kanyang “Beyond the Crown” advocacy video, kung saan binigyang-diin niya na higit sa paghahanda ng mga manggagawa, dapat ding ihanda ang mga lider at puso ng kabataan.

Ayon sa kanya, higit 2.1 million na kabataang Pilipino ang hindi nakakapag-aral, walang trabaho, at hindi naitetrain, hindi dahil sa kakulangan ng potensyal kundi dahil walang nagtuturo sa kanila kung paano ito gamitin.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat hindi niya nasungkit ang korona, ipinagmamalaki ni Ahtisa ang pagpasok sa Top 5 ng Pilipinas, na huling naabot ng bansa sda pamamagitan ni Beatrice Luigi Gomez noong 2021 sa Israel.