Inanunsyo ng beteranong NBA guard na si Chris Paul nitong Sabado na ang 2025-26 season na ang kanyang magiging huling taon sa NBA.
Bago ang kanilang laro sa Charlotte, nag-upload ang twelve-time All-Star na tubong North Carolina ng isang video online na naglalaman ng mga mahahalagang highlights mula sa kanyang karera. Tampok dito ang mga sandaling mula nang siya ay ma-draft bilang fourth overall pick noong 2005 NBA Draft.
Sa loob ng halos dalawampung taon sa liga, nag-ukit si Paul ng pangalan bilang isa sa pinakamahusay na point guard sa kasaysayan. Kabilang sa kanyang mga parangal ang: NBA Rookie of the Year (2006),
Apat na beses All-NBA first-team, Limang beses na NBA Assist Champion, Anim na beses na Steals Leader, Pitong beses na All-Defensive First Team, NBA All-Star Game MVP (2013)
Nakamit din ni Paul ang dalawang Olympic gold medals kasama ang Team USA — una noong Beijing 2008 at sumunod noong London 2012. Habang ito naman ay ikalawa sa NBA history sa assists na may 12,532, at ikalawa rin sa steals na may 2,727. Noong 2021, kinilala siya bilang bahagi ng NBA 75th Anniversary Team.
Naglaro si Paul sa pitong iba’t-ibang team sa loob ng 20 NBA seasons kinabibilangan ito ng New Orleans Pelicans, Los Angeles Clippers, Houston Rockets, Oklahoma City Thunder, Phoenix Suns, Golden State Warriors at San Antonio Suns.
Samantala, ngayong season ay pumirma si Paul muli sa Clippers kung limitado nalang ang oras nito sa paglalaro, sa unang sampung laro ay nakakapagtala lamang ito ng 2.5 na puntos kada laro at 3.3 na assist kada laro.










