Handang pangunahan ni dating PNP chief Gen. Nicolas Torre III ang pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung may ilalabas na pormal na utos. Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ni Torre na buong karera niya ay nakabatay sa pagsunod sa direktiba.
Naging isyu ang posibleng pag-aresto matapos ibunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may hawak na umano siyang kopya ng ICC arrest warrant laban kay dela Rosa kaugnay ng war on drugs noong Duterte administration.
Si Torre, na unang nakilala sa pag-aresto kay Apollo Quiboloy at dating pangulong Rodrigo Duterte, ay kasalukuyang nasa Personnel Holding and Accounting Unit habang hinihintay ang reassignment. Giit niya, patuloy ang kanyang pagiging propesyonal kahit wala na sa puwesto.
Aminado rin si Torre na dati niyang “boss at mentor” si dela Rosa, at marami silang napagsamahan, ngunit “nagbago na ang panahon.”











