Muling nakipagbangayan si Draymond Green ng Golden State Warriors sa isang fan sa loob ng court habang naglalaro ang koponan kontra New Orleans Pelicans sa kanilang 124-106 na panalo noong Linggo.
Ayon kay Green, tinawag siya ng fan na “a woman’s name,” kaya lumapit siya sa fan komprontahin ito. Agad na nakialam ang mga opisyal ng game at inawat si Draymond.
Sinabi ni Green na siya ay may apat na anak at isa ang darating, kaya pinapaalala niya ang isang fan na siya ay irespeto. Sinabi naman ng fan na unnerving ang insidente, at binigyan siya ng warning mula sa mga ushers ngunit pinayagang manatili sa loob.
Kaugnay nito, ayon naman sa Warriors coach na si Steve Kerr na ayos lang ang ganitong insidente basta hindi lumalala ang sitwasyon.
Si Draymond ay kilala sa kanyang emosyonal at confrontational sa laro at dati nang nasampahan ng multa sa pakikipag-away sa fans.











