Nanawagan si House Minority Leader Rep. Marcelino Libanan sa natitirang anim na regional wage boards na magpatupad ng dagdag-sahod bago matapos ang taon upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Hinimok ni Libanan ang mga wage board na kumilos agad dahil nababawasan na ang purchasing power ng mga minimum wage earner.
Sa 17 wage boards, 11 na ang naglabas ng wage orders ngayong taon, at ang mga rehiyong hindi pa nagtataas ng sahod ay CAR, MIMAROPA, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Ang Western Visayas ang pinakahuling nagpatupad ng umento, na nag-apruba ng ₱40 dagdag-sahod noong Oktubre 23.
Ayon kay Libanan, mahalaga ang agarang pagtaas ng sahod upang buhayin ang household spending naDirectX nahina dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.











