-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na sa edad na 97 si Rosa Rosal, kilalang aktres at humanitaryo na higit pitong dekada nag-alay ng kanyang buhay sa paglilingkod sa Philippine Red Cross (PRC).

Mula pa noong 1965, nagsilbi si Rosal bilang miyembro ng Board of Governors ng PRC.

Sa loob ng mahaba niyang panunungkulan, naging pangunahing tagapagtaguyod siya ng boluntaryong pagbibigay ng dugo sa buong bansa, pinalakas ang mga serbisyong pangkalusugan ng organisasyon, at ginamit ang kanyang plataporma upang isulong ang malasakit, boluntaryo, at proteksyon para sa mga pinakamahihina sa lipunan.

Iniwan ni Gov. Rosal ang isang mahalagang pamana ng tunay na serbisyo, dignidad, at pagmamahal sa kapwa, isang pamana na patuloy na magiging gabay ng Philippine Red Cross at magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga boluntaryo.

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ang Anak Dalita (1956), Badjao (1957), at Biyaya ng Lupa (1959).

-- ADVERTISEMENT --