-- ADVERTISEMENT --

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi matapos na tumama ang bus sa isang bus stop sa Stockholm, Sweden.

Mayroon ding anim na katao ang nagtamo ng sugat sa kanilang mga katawan dahil sa aksidente.

Wala namang pasaherong sakay ang bus at ang mga nasawi ay pawang mga pedestrian na nasa gilid ng kalsada.

Inaresto na rin ng mga otoridad ang drayber ng bus matapos ang insidente malapit sa Royal Institute of Technology University.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga nasawi si Prime Minister Ulf Kristersson at tiniyak nito ang malalimang imbestigasyon ukol sa insidente

-- ADVERTISEMENT --