Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay dating Ako Bicol Party-list Zaldy Co na umuwi at maghain ng sinumpaang salaysay sa mga inilabas niyang alegasyon.
May kaugnayan ito sa pagsiwalat ni Co na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-singit ng P100-Bilyon na mga proyekto para sa 2025 national budget.
Ayon sa CBCP, nais nilang idaan sa tamang proseso ang lahat para malaman ang katotohanan kaya mahalaga na ihain ang reklamo sa tamang hukuman na may sinumpaang salaysay kasama ang matibay na ebidensiya.
Hindi aniya sapat sa social media isawalat ang nasabing akusasyon at sa halip ito ay dapat sa tamang ahensiya na may kapangyarihang mag-imbestiga.
Pinag-iingat din ng CBCP ang mga sinumang magsasamantala sa nasabing isyu dahil ito ay maaring magpasiklab ng emosyon at mapulitika pa.
Mahalaga na ang lahat ng sangkot ay kumilos ng tapat, matapat at may pananagutan dahil karapata ng taumbayan ang pagpapaliwanag, hindi haka-haka; katotohanan at hindi tsismis ganun din pananagutan at hindi panlilinlang.











