Nakaliban pa rin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa plenary session ng Senado ngayong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025.
Dito ay 18 senadors lamang ang dumalo, matapos bumalik ang sesyon mula sa mahabang Undas break kamakailan.
Ang patuloy na hindi pagdalo ni Dela Rosa ay nagiging kapansin-pansin matapos ang kontrobersiyang lumabas noong nakaraang linggo ukol sa kaniyang kaso.
Ibinahagi kasi ni Ombudsman Crispin Remulla na umano’y may inilabas nang arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Gayunman, agad itong pinabulaanan ng mga otoridad, na nagsabing walang katotohanan ang naturang impormasyon.
Si Sen. Bato ay dating hepe ng Philippine National Police, at isa sa mga pangunahing personalidad na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.
Ang kaniyang patuloy na pagliban sa sesyon ay nagdudulot ng espekulasyon sa publiko hinggil sa kanyang kalagayan at posibleng epekto ng mga alegasyon laban sa kanya.
Pero dati nang sinabi ng senador na haharapin niya ang ICC at nagboluntaryo pa itong mag-asikaso kay dating pangulong Rodrigo Duterte, kung siya man ay mabibilanggo din doon.











