-- ADVERTISEMENT --

Nakapagtala ng minor phreatomagmatic eruption sa Main Crater ng bulkang Taal kaninang umaga ngayong Miyerkules, Nobiyembre 12.

Ito ay base sa time-lapse footage mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa ahensiya, nagtagal ang pagputok ng bulkan ng apat na minuto mula kaninang alas-6:51 ng umaga hanggang alas-6:54 ng umaga.

Nag-generate ang pagputok ng bulkan ng kulay abong plumes na umabot ng hanggang 2,800 metrong taas sa ibabaw ng crater bago napadpad sa hilagang-silangang direksiyon.

Sa kabila ng panibagong aktibidad ng bulkan, nananatili sa Alert Level 1 ang alerto dito.

-- ADVERTISEMENT --

https://googleads.g.doubleclick.net/pagead/ads?gdpr=0&client=ca-pub-

Nangangahulugan itong nasa abnormal na kondisyon ito, kayat posible ang mga panganib ng biglaang pagsabog, volcanic earthquakes, pagbuga ng abo at iba pa.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng Phivolcs sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island, ang permanent danger zone gayundin bawal ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.