-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng pamilya ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na buhay pa at patuloy na lumalaban ito matapos masugod sa ospital noong Martes, Nobyembre 11, 2025.

Sa isang social media post ni Ramon Tulfo, ibinahagi niya ang impormasyon mula sa anak ni Enrile na si Jack Enrile, na nagsabing buhay pa ang dating senador hanggang alas-9 ng gabi noong Martes, ngunit maaaring pumanaw anomang oras.

Nauna nang sinabi ni Senador Jinggoy Estrada sa kanyang mga kasamahan na si Enrile ay naka-confine sa intensive care unit (ICU) dahil sa pulmonya. Dagdag pa ng source ng senador, manipis ang tsansa ng dating opisyal na makaligtas.

Si Enrile ay 101 taong gulang na ngunit batay sa rekord ng Iglesia Filipina Independiente (Aglipayan Church) sa Cagayan, ang tunay na petsa ng kapanganakan nito ay Hunyo 22, 1922, malayo sa nakatala sa ospital na Pebrero 14, 1924.