-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang 15,000 tauhan ng PNP ang ipakakalat sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2025, upang masiguro ang seguridad sa 3-araw na pagtitipon ng iba’t ibang grupo, kabilang ang Iglesia ni Cristo.

Tiniyak ni PNP acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang paggalang at pakikiisa ng PNP sa mapayapa at ligtas na pagtitipon.

Kabilang sa babantayan ang Quirino Grandstand, EDSA Shrine, People Power Monument, mga lansangan malapit sa Malacañang, BSP, Senado, Kamara, Embahada ng Amerika, at iba pa.

Ayon kay Nartatez, tungkulin nilang tiyakin ang kaligtasan ng mga pagtitipon, kasabay ng paggalang sa karapatan ng bawat Pilipino.

Magpapatupad din ng traffic coordination, crowd management, at police visibility ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño.

-- ADVERTISEMENT --