Ipinasa na ng US Senate ang funding bill para mawaksan na ang government shutdown sa loob ng ilang araw.
Kabilang ang walong Democrats at mga Republican ang bumoto para mawaksan na ang shutdown.
Sa pinal na bersiyon ng bill, pinapalawig nito ang government funding hanggang sa Enero ng susunod na taon. Kabilang din dito ang tatlong taong funding bills para sa iba’t ibang federal agencies at mga programa at pagbabalik ng federal workers na tinanggal sa kasagsagan ng shutdown.
Kapalit naman ng pagpabor ng 8 Democrats, pumayag ang Republicans na magbotohan sa kalagitnaan ng Disyembre kaugnay sa pagpapalawig pa ng health care tax credits.
Mangangailangan pa ng approval ang naturang funding bll mula sa US House of Representatives at lagda ni US Pres. Donald Trump bago mawaksan ang shutdown.
Umaabot na nga sa 41 araw simula ng mag-shutdown ang gobyerno ng Amerika, ang pinakamahaba na naitala sa kasaysayan ng US na nagresulta sa pansamantalang suspensiyon ng mga serbisyo ng gobyerno at nag-iwan ng 1.4 milyong federal employees na walang paid leave o nagtratrabaho nang walang sahod.
Nagdulot din ang shutdown ng mga problema sa mga paliparan ng US kung saan mahigit 7,000 flights ang naantala at 2,000 flights ang nakansela dahil sa kakulangan ng mga staff.
Una ng idinemand ni Trump sa air traffic controllers na hindi nabayaran sa kasagsagan ng shutdown na bumalik na sa trabaho at nagbanta sa mga hindi susunod.










