-- ADVERTISEMENT --

Makikiisa ang Syria sa international coalition para labanan ang Islamic State militants.

Ang nasabing pahayag ay matapos na personal na bumisita sa White House si Syrian President Ahmed al-Sharaa at nakausap si US President Donald Trump.

Siya ang unang lider ng Syria na bumisita sa kasaysayan ng US.

Noong 2012 ay sinuspendi ang diplomatic relation ng US at Syria dahil sa pagtulong umano ng nila sa ISIS.

Ibinalik ni Trump ang ugnayan nila sa Syria matapos na mapabagsak si Bashar al-Assad ang dating lider ng Syria.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag naman ng suporta si Trump sa pahayag ni Sharaa kung saan nais niyang makita na maging matagumpay na bansa ang Syria.