-- ADVERTISEMENT --

Hindi nagpaapekto sa sama ng panahon ang ilang boksingero ng bansa para magsanay sa pagsabak nila sa 33rd Southeast Asian Games (SEA) Games sa susunod na buwan.

Nasa lungsod ng Baguio kasi ang mga boksingero ng bansa na sasabak sa SEA Games kung saan isa rin ito na dinaana ng bagyong Uwan.

Ayon kay Coach Ronald Chavez na hindi gaanong naapektuhan ang kanilang training kahit na naputol ang suplay ng kuryente sa lugar.

Ilang linggo na sila sa lungsod ng Baguio kung saan isinasagawa ang puspusang pagsasanay.

Target nilang mahigitan ang nakamit noong 2023 Phom Penh Games na mayroong apat na gold, limang silvers at isang bronze ang nakuha ng boxing team.

-- ADVERTISEMENT --

Ilan sa mga boksingero na inaasahang mag-uuwi ng gintong medalya ay sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Gaganapin sa Thailand ang SEA Games mula Disyembre 9 hanggang 20.