-- ADVERTISEMENT --

Ipinagpaliban muna ang inisyal na pagdinig para sa preliminary investigation ng Department of Justice sa ilang flood control project cases.

Sa ipinadalang mensahe ng kasalukuyang tagapagsalita ng kagawaran na si Atty. Polo Martinez, kanyang sinabi na hindi muna matutuloy ang naturang pagdinig.

Nakatakda sana kasi itong isagawa ngayon, ika-11 ng Nobyembre, araw ng Lunes kung saan ranas pa rin ang hagupit ng bagyong Uwan.

Kung kaya’t dahil sa bagyo na rason para sa suspensyon ng trabaho sa mga opisina ng gobyerno, ipinagpaliban muna ito.

Ang hindi natuloy na iskedyul ay kasunod nang mapadalhan na ng subpoena ang mga respondents kabilang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways.

-- ADVERTISEMENT --

Ito’y sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, Arjay Domasig at Jaypee Mendoza.

Kung kaya’t itinakda ang panibagong petsa ng inisyal na pagdinig sa darating na Biyernes, ika-14 sa buwan ng Nobyembre.

Maaalalang isinaoli ng Office of the Ombudsman ang limang kasong ito na ghost flood control projects sa Bulacan pabalik sa DOJ.

Ayon sa Ombudsman, ito’y upang di’ na maging paulit-ulit pa ang proseso kaya’t itinalaga ang DOJ para pangunahan na ang pagsasagawa ng preliminary investigation.