Hinihiling ni House Minority Leader Marcelino Libanan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing prayoridad ang pagpasa ng National Land-Use Law dahil sa pinsala na idinulot ni Bagyong Tino sa Central Visayas, partikular sa Metro Cebu.
Ayon kay Libanan, ipinakita ng bagyo ang problema sa ating pagpaplano sa paggamit ng lupa at paghahanda sa kalamidad.
Sabi niya, mahalaga ang maayos na paggamit ng lupa para mabawasan ang peligro sa kalamidad, maging matatag sa climate change, at protektahan ang kalikasan.
Dapat daw itigil na ang pagtatayo ng bahay sa mga lugar na madalas bahain o magkaroon ng landslide.
Dagdag pa niya, mas malalakas na bagyo ang darating kaya kailangan ng mga batas para mabilis tayong makapaghanda sa pagbabago ng klima.
Ang National Land-Use Law ang magiging gabay sa paggamit at pangangalaga ng ating mga lupain.











