-- ADVERTISEMENT --

Ipinagdasal ng lider ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV ang mga biktima ng Super Typhoon Uwan na nanalasa Pilipinas partikular sa Luzon

Kung saan dalawa na ang kumpirmadong nasawi at mahigit isang milyong residente na ang lumikas mula sa mga mababang lugar bago pa man nag-landfall ang bagyo sa probinsya ng Aurora nitong Linggo ng gabi.

Sa kanyang lingguhang Angelus prayer sa St. Peter’s Square, sinabi ng Santo Papa na kaniyang ipinagdarasal ang mga nasawi at kanilang pamilya, gayundin ang mga nasugatan at nawalan ng tirahan.

Kasabay nito, nanawagan din ang Santo Papa para sa pagtigil ng mga sigalot at labanan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, at hinikayat ang mga bansa na itaguyod ang kapayapaan, at negosasyon sa halip na karahasan.

Nagpasalamat din si Pope Leo sa lahat ng patuloy na nagsisikap na isulong ang kapayapaan sa mga rehiyong apektado ng digmaan.

-- ADVERTISEMENT --