Pinatututukan ni Philippine National Police Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. sa mga miyembro ng kapulisan ang sapilitang pagpapalikas sa paghagupit ng bagyong Uwan lalo na sa mga nasa baybaying dagat, tabing-ilog at bahain lugar.
Ito’y kasabay sa paghagupit ng malakas na bagyong Uwan ngayong araw sa bansa kung kaya’t nais ng naturang hepe ng pambansang pulisya mabigyan ito ng atensyon.
Iniutos din niya sa mga pulis na pamunuan ang mga operasyon sa pagsagip at maging pati pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng sakuna.
Gayunpaman tiniyak ni C hief PNP Nartatez Jr. nakaalerto ang National Headquarters ng pambansang pulisya sa pag-monitor ng sitwasyon at pagbibigay karagdagang pwersa o tylong sa hanay ng kapulisan.
Sa inilabas namang direktiba ng naturang opisyal, ipina-activate nito sa lahat ng regional at provincial directors ang Risk Reduction Management Task Groups bilang tugon sa paghagupit ng bagyo.
Naniniwala si Philippine National Police Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na ang ganitong mga hakbang ay bilang kabahagi ng kanilang misyon na sumagip at maglingkod sa mamamayan sa oras ng sakuna.
Kung kaya’t pagtitiyak ng pambansang pulisya na ito’y nakahanda sa paghagupit ng malakas na bagyong Uwan sa bansa.











