Patuloy na lumalakas ang Bagyong Uwan habang kumikilos ito papalapit sa Bicol Region.
Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 380 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, taglay ang pinakamalakas na hangin na 155 km/h malapit sa sentro at pagbugso na umaabot sa 190 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 35 km/h.
Umaabot hanggang 800 kilometro mula sa sentro ang saklaw ng malalakas na hangin ng bagyo.
Signal No. 4: Catanduanes – inaasahan ang typhoon-force winds sa loob ng 12 oras na may bilis na 118–184 km/h.
Signal No. 3: Aurora, hilaga at silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, hilaga at silangang bahagi ng Sorsogon, at silangang bahagi ng Northern Samar.
Signal No. 2: Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Cordillera provinces, Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Marinduque, bahagi ng Mindoro, Romblon, Masbate, at ilang bahagi ng Samar, Eastern Samar, Biliran.
Signal No. 1: Batanes, Babuyan Islands, Occidental Mindoro, Calamian at Cuyo Islands, natitirang bahagi ng Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang Agusan del Norte, at hilagang Surigao del Sur.









