-- ADVERTISEMENT --

Posibleng mabuo muli ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng pitong (7) araw, batay sa monitoring ng state weather bureau.


Ayon kay Engr. Bennison Estareja, maaaring mabuo ito sa far east ng Mindanao, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Maaari aniyang pagsapit ng Nobiyembre-12 o Nobiyembre-13 ay tuluyan itong papasok sa PAR bilang isang LPA
Ayon sa opisyal, sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw ang direksyong tatahakin nito, o ang magiging banta nito sa Pilipinas.


Hindi inaalis ng weather bureau ang posibilidad na mayroon pang isang bagyong tatama sa Pilipinas bago tuluyang matapos ang buwan ng Nobiyembre.

Ngayong Nobiyembre, dalawang bagyo na ang nairehistro ng weather bureau: Tino at Uwan.

-- ADVERTISEMENT --