-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Senador Bato dela Rosa ukol sa impormasyon kumakalat na nag-isyu na umano ang International Criminal Court ng Warrant of Arrest.

Ayon sa legal counsel ng naturang senador na si Atty. Israelito Torreon, sa kasalukuyan ay wala pa silang tiyak na kumpirmasyon hinggil rito.

Bagama’t kumalat na ang ulat na mayroon ng arrest warrant, hinimok ng abogado ang publiko na maging maingat sa mga impormasyon nakakakalap.

Payo niya na iwasan din ang pagbabahagi ng mga ulat hangga’t hindi pa tuluyan nabeberipika mula sa mga awtoridad o mismong sa International Criminal Court.

“At this point, we do not have independent confirmation as to whether or not this information is accurate. We therefore urge the public and the media to exercise caution and restraint in sharing or interpreting such reports until verified information is officially released by competent authorities or by the ICC itself,” ani Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Sen. Bato Dela Rosa.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit gayunpaman kahit pa walang katiyakan ang impormasyon, tiwala naman ang kampo ni Dela Rosa sa pamahalaan na tatalima ito sa kung anong nakasaad sa saligang batas.

Umaasa silang kung mayroon man ‘arrest warrant’ mula ICC ay dadaan muna ito sa due process ng hudikatura at konstitusyon sinusunod sa bansa