-- ADVERTISEMENT --

Naghahanda na ang Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) sa inaasahang pagtama ng bagyong Uwan sa bansa.

Ang naturang coast guard office ang may saklaw sa mga lugar na inaasahang pangunahing tutumbukin ng malakas na bagyo na may potensyal na maging isang super typhoon, batay sa forecast.

Ayon sa CGDNELZN, inilagay na sa full alert status ang lahat ng station at sub-stations nito, hudyat ng walang-tigil na pagbabantay sa kanilang nasasaklawang lugar, lalo na sa coastal areas.

Lahat ng disaster response equipment at assets ng nito ay naisailalim na rin sa pagsusuri para matiyak na handang ideploy anumang oras.

Sa kasalukuyan, nag-iikot na ang mga coast guard personnel sa kabuuan mga baybayin ng NE Luzon upang mapaalalahanan ang mga mangingisda, manlalayag, at bawat komunidad ukol sa bantang dala ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Saklaw ng naturang CGD ang mga probinsya ng Cagayan, Batanes, at Isabela sa Cagayan Valley at Aurora sa Central luzon.