Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpataw ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported na pulang sibuyas.
Ito ay bilang tugon sa panibagong overpricing o pagpapataw ng labis na mataas na presyo sa mga pulang sibuyas na ibinebenta sa merkado, gayong mas mababa ang import price, habang mataas din ang supply.
Ayon pa sa DA, mababa rin ang farmgate price ng sibuyas sa kasalukuyan ngunit nananatili pa ring mataas ang presyo sa mga merkado.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nagpapakita ito na mayroong mga nananamantala sa industriya ng sibuyas.
Posible aniyang kagagawan ito ng retailers na direktang naglalabas ng supply sa mga merkado.
Batay sa kasalukuyang monitoring ng DA, umaabot sa P140 ang kada kilong presyo ng sibuyas sa mga merkado.
Gayonpaman, sinabi ni Laurel na dapat ay hindi na tataas pa sa P120 ang kada kilong presyo nito, habang makatwiran na rin umanong magpataw ng P100 at P110 per kilo dahil tiyak na mayroon ng kita ang mga mangingisda sa ganitong presyo.











