Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dept of budget and management ang pagpapalabas ng ₱1.307 trilyong program budget para sa huling quarter ng taon.
Layon ng hakbang na ito na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong naapektuhan ng mga sakuna at tiyaking agad silang makabangon.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa social services.
Kabilang dito ang P2.74 billion pesos para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) na sumasaklaw sa Quick Response Fund (QRF) replenishment at Emergency Cash Transfers (ECT), bilang paghahanda sa posibleng mga bagyo pang darating sa bansa sa huling yugto ng taon.
Mayroon namang P9.52 bilyong pisong ilalaan sa dswd para sa mga pangunahing social protection programs tulad ng pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps.
Nasa P7.03 billion halaga para sa payouts para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program; Php 5.77 billion para sa soial pension benefits ng mahihirap na senior citizens; at P4.83 billiong piso para sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program bilang suporta sa vulnerable sectors.
May bahagi rin na P7.33 billiong piso naman ang dept of agriculture para sa National Rice Program, habang 47 billion peso para sa National Livestock Program.
Mayroon ding P2.29 billiong piso ang inilaan sa National Food Authority (NFA) para sa buffer stocking program at targeted rice distribution program upang tiyakin ang availability ng bigas rice, lalo na sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
May sapat na halaga ring inilaan para sa edukasyon at kalusugan.
Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na gamitin ang pondo sa matuwid, episyente, at produktibong paraan upang higit pang mapalago ang ekonomiya.
Giit ng Malacañang, kapag naipuhunan nang tama ang pondo sa imprastruktura, kalusugan, edukasyon, at direktang tulong pinansyal, ay mas maraming pera at mamumuhunan ang papasok na magtutulak sa mas malakas at matatag na ekonomiya ng bansa











