Maaaring maramdaman ang epekto ng paparating na bagyo sa Cebu sakaling lumihis ito patungong timog na direksiyon mula sa kasalukuyang pagtaya na tutumbukin nito ang Northern Luzon.
Ayon kay Engineer Al Quiblat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration Mactan, maaari pa ring masaklaw ng “uncertainty cone” o posibleng daanan ng bagyo ang ilang parte ng Eastern Visayas kabilang ang Northern Samar, na maaaring magdulot ng indirect effects sa Cebu sa kabila ng kasalukuyang forecast na nagpapakita na walang direktang pagtama sa rehiyon.
Kung mangyari ito, ang saklaw nito ay malawak na nasa 400 kilometers, kayat maaari pa ring maapektuhan ang Cebu, subalit mababa aniya ang tiyansang ito ay mangyari.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ang storm Fung-Wong na tatawaging Uwan sakaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).











