-- ADVERTISEMENT --
Nagpaabot ng pakikiramay si Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng Bagyong Tino, partikular sa Visayas, Mindanao, at Southern Luzon.
Ayon kay Dy, agad na kumikilos ang mga kinatawan mula sa mga apektadong distrito upang makipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan para maihatid ang kinakailangang tulong.
Tiniyak din ng Speaker na handa ang Kamara na maglaan ng pondo at suportahan ang mga programang tutugon sa rehabilitasyon, pagbangon ng kabuhayan, at pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad.
Dagdag pa niya, sa kabila ng pagsubok, nananatiling matatag at nagkakaisa ang sambayanang Pilipino.











