Nagbigay paglilinaw ang Office of the Ombudsman patungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
Sa opisyal na pahayag ibinahagi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano, nilinaw nitong nasa mabuting kalusugan naman ang tanod-bayan.
Patuloy anilang ginagampanan ni Ombudsman Remulla ang kanyang tungkulin nang may buong sigla at dedikasyon.
Kung saan ibinahagi pa nito na si Remulla ay malaya na sa kanser sa loob ng isa’t kalahating taon.
Pagtitiyak nila na patuloy siyang nag-eehersisyo tuwing umaga bago pumasok sa opisina para anila’y mapanatili ang malusog na pamumuhay.
Dagdag pa sa pahayag na ang sinasabing sakit sa kalusugan ay nakaraan na at bago pa siya maupo bilang Ombudsman, kasunod ni Samuel Martires.
Kaugnay pa rito’y inihayag ng tanggapan na makaseseguro umano ang publiko na patuloy pa rin ang hakbang ng Ombudsman sa pagpapanagot ng mga sangkot lalo na sa flood control projects anomaly.
Maalalang ibinunyag ni Ombudsman Remulla na na-diagnosed siya ng Leukemia matapos sumailalim sa quintuple bypass heart surgery noong 2023.











