Iniimbestigahan na ngayon ng Office of the Ombudsman ang ilan pang mga sangkot o dawit sa isyu ng korapsyon sa flood control projects.
Ayon mismo kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, isinasama ng maimbestigahan pati mga ‘losing bidders’ o ang mga kontratistang di’ nakakuha at natalo sa bidding ng mga proyekto.
Kasunod aniya ito ng makausap ang ilang mga opisyal ng Philippine Competition Commission sa natanggap nitong impormasyon na kasama maging ‘losing bidders’ sa nakinabang o sangkot sa anomalya.
Gayunpaman, ibinahagi ni Ombudsman Remulla na mayroong natukoy ng indibidwal ang komisyon kung saa’y namumuhay o lagi itong kabahagi sa mga losing bidders.
Ipinaliwanag ni Ombudsman Remulla kung papaano nakinabang ang mga losing bidders sa kada proyekto ng gobyerno para sa flood control.
Kung saan 3% mula sa kabuuang project cost ang siyang porsyento umano ng mga ito o natatanggap na siyang naging kultura na din aniya sa Department of Public Works and Highways.
Ibig sabihin, kung ang proyekto’y nagkakahalaga ng isang daang milyon piso, 3% mula rito o 3-milyon piso ay ang magiging parte at matatanggap ng losing bidders.
Habang kanya namang isiniwalat na ang largess mula sa pondo ng proyekto ay di’ lamang pinakikinabangan ng mga opisyal kundi umaabot umano hanggang pati sa janitor ng kagawaran.
Sa madaling sabi, ayon kay Ombudsman Remulla, mistulang ‘everybody happy’.
“Kung ang project amount ay sabihin natin 100 milyon, 3% is 3 million. Yun ang paghahatian ng apat na losing bidder… tapos meron pang ibang largess na dumarating pa sa ibang staff ng DPWH,” ani Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
“Kasi dyan everybody happy ang balita ko yan, hanggang janitor yan meron. Hannggang janitor meron sila,” dagdag pa ni Omb. Remulla.
Sa kabila nito, inihayag ni Ombudsman Boying Remulla na ang sinumang kabahagi ng ‘losing bidders’ ay maaring lumapit sa tanggapan kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control projects anomaly.
Bukas aniya ang tanggapan para sa kanila kung sila’y magsisiwalat ng buong nalalaman at ituturo pati kasama pang ibang mga sangkot.











