-- ADVERTISEMENT --
Nakatakdang ilathala ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga contractors na nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na ito ang kanilang gagawin kapag nakumpirma na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kontrata ng mga ito.
Sa kasalukuyan ay naghihintay lamang sila ng validation mula sa DPWH kung sino sa 54 na mga contractors na kanilang naipasa ang may kontrata sa gobyerno.
Muling iginiit nito na ipinagbabawal sa mga kandidato ang tumanggap ng mga pondo o pera mula sa government contractors.