-- ADVERTISEMENT --
Patay ang dalawang sakay ng isang maliit na eroplano matapos na bumagsak habang papalipad lamang ito sa Venezuela.
Isang Cheyenne model plane ang biglang bumagsak habang papalipad na sa Paramillo Airport sa bayan ng Táchira.
Sinasabing nawalan ng kontrol ang piloto na naging sanhi para bumaligtad.
Nasunog pa ang magkabilang bahagi ng eroplano noong ito ay bumagsak.