-- ADVERTISEMENT --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas ng produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.10 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.70 naman na bawas sa kada litro ng diesel ganun din ang kerosene ay mayroong P0.60 na bawas presyo sa kada litro.

Itinuturing ng dahilan ng Department of Energy na ang sanhi ng dagdag bawas ay ang bahagyang paghupa ng tensiyon sa Gitnang Silangan.