-- ADVERTISEMENT --

Nagsumite ng liham ang grupong TINDIG Pilipinas sa tanggapan ng Office of the Ombudsman partikular para kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.

Sa liham ipinadala sa naturang opisyal, layon anilang himukin ito para aksyunan o imbestigahan ang mga alegasyon nakapaloob sa articles of impeachment na inahain laban kay Vice President Sara Duterte.

Maalalang hindi natuloy ang inaasahan sanang ‘impeachment trial’ kontra sa ikalawang pangulo nang ma-archive ang articles of impeachment.

Magugunita ding ito’y idineklarang ‘unconstitutional’ o di’ naayon sa saligang batas ng ilabas ng Kataas-taasang Hukuman ang desisyon nito ukol sa impeachment.

Kung kaya’y ang grupong TINDIG Pilipinas, kasama pati mga citizen-complainants ay dumulog na sa bagong talagang Ombudsman upang hilingin ang isang kadyat na imbestigasyon ukol sa mga alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Buhat nito’y nanindigan ang naturang grupo na hindi dapat ipagsawalang bahala na lamang ang isyu at alegasyon kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.

Kung kaya’t tiniyak mismo ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na kanyang hindi isasantabi ang mga alegasyon o isyu ng korapsyon ibinabato kay Bise Presidente Duterte.

Kasunod sa pagsusumite ng liham ng TINDIG Pilipinas ngayong araw sa kanyang opisina, aniya’y sisimulan nito ang fact-finding.

Sa liham kasing ipinadala sa kanya ng grupo hinimok nila ang Ombdusman na kadyat simulan ang imbestigasyon sa ikalawang pangulo lalo na patungkol sa ‘articles of impeachment’ na inihain laban sa kanya.

Isa ang confidential and intelligence funds sa nais nilang mapaimbestigahan o mapasuri sa Ombdusman ngunit aminado si Remulla na kailangan pa muna niyang mabasa at masuring maigi ang liham.

Gayunpaman, ibinahagi ni Ombudsman Remulla na kanyang ikukunsidera ang ‘articles of impeachment’ bilang gabay isasagawang fact-finding.