-- ADVERTISEMENT --

Muling umapela ang malaking grupo ng mga negosyante sa bansa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na gumawa ng mabilis na hakbang laban sa nagaganap na kurapsyon sa bansa.

Sa inilabas na resolution ng grupo na binubuo ng Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce and Industry and the Employers’ Confederation of the Philippines ay mahalaga na tugunan agad ng Pangulo ang tinaguriang makakasaysayan at malawakang kurapsyon sa flood control at infrastructure projects.

Ayon pa sa grupo na ang talamak na kurapsyon ay mas higit pa sa pagkalugi pero ang pagkasira ng tiwala ng publiko ay magdudulot ng kaguluhan.

Nakasaad sa resolution na bigyan ng buong kapangyarihan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na magsagawa ng imbestigasyon at lumayo sa impluwensya ng sinumang pulitiko.

Kasuhan ang lahat ng mga responsable maging anumang posisyon sa gobyerno at magpatuapd ng pagbabago sa institusyon para hindi na maulit pa ang pang-aabuso at magbigay ng update sa publiko sa mga pagbabago sa imbestigasyon at ipakita sa publiko ang audit findings para matiyak ang kredibilidad.

-- ADVERTISEMENT --